School project ni Pacman inatake ng NPA
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army ang itinatayong school project na sinasabing donasyon ni Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao sa Barangay Upper Suyan, bayan ng Malapatan, Saranggani kamakalawa. Sa pahayag ni Captain Rhyan Batchar, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division, naganap ang pag-atake dakong alas-11 ng umaga ng school construction project sa Sitio Akbual. Nabatid na abala sa pagtatayo ng eskuwelahan ang Army’s 73rd Infantry Battalion at 512th Engineering  Battalion nang sumalakay ang mga rebeldeng NPA Guerilla Front 71 na namumugad sa lalawigan. Agad namang dumipensa ang mga sundalo kung saan nakasagupa ang mga rebelde na tumagal ng may 20-minuto.Gayon pa man, mabilis na nagsitakas ang grupo ng NPA bitbit ang mga sugatang kasamahan habang wala namang nasugatan sa panig ng militar. Ang nasabing school construction project ay binabantayan ng Army’s 73rd Infantry Battalion na nagsasagawa na ng pagtugis laban sa nagsitakas na mga rebelde.

ACIRC ANG BARANGAY UPPER SUYAN CAPTAIN RHYAN BATCHAR GAYON GUERILLA FRONT INFANTRY BATTALION INFANTRY DIVISION NEW PEOPLE SARANGANI REP SITIO AKBUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with