Bus vs kotse: 3 todas, 2 kritikal
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2015 - 9:00am

CAVITE, Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang da­lawa naman ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang isang kotse sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Mendez Crossing East, Tagaytay City, Cavite kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina John David Salvajeno, 31; Ericka Liberato, at si Mark James Tanchoco, 19, mga nakatira sa Barangay Molino 3 at 4 sa Bacoor City, Cavite

Kritikal naman sina Russel Conge Santiago, 30; Shella Conge Rodriguez, 29; at si Andrew Duque, 31, computer shop owner/ photographer at mga nakatira Citihomes Subd., Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Arestadao naman ang driver ng DLTB Bus Liner na si Mark Anthony Magsino, 32, ng #283 San Jose Del Monte Street sa Quezon City.

Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, sinalpok ng bus na may plakang UYB 812 ang likurang bahagi ng Toyota Avanza (YS5876) habang ito ay papakaliwa sa nasabing highway.

Sa lakas ng pagkakabangga ay sumadsad ang van kung saan naipit ang mga biktima.

 

AGUINALDO HIGHWAY ANDREW DUQUE ANG BACOOR CITY BARANGAY MENDEZ CROSSING EAST BARANGAY MOLINO BUS LINER CAMP PANTALEON GARCIA CAVITE CITIHOMES SUBD ERICKA LIBERATO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with