Pulis napagtripang gulpihin

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2015 - 10:00am

BULACAN, Philippines – Gulpe-sarado ang inabot ng 33-anyos na pulis matapos itong mapagtripang gulpihin ng tatlong kalalakihan sa Barangay Sta. Rita, bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon ng umaga. Nagtamo ng pasa at sugat sa katawan ang biktimang si PO1 Alkhaizer Jakiran ng Plaridel PNP at nakatira sa Barangay Sumapang Matanda sa Malolos City, Bulacan. Naaresto naman ang mga suspek na sina Darwin Taguinin, 32; Dean Roger Taguinin, 28; mga nakatira sa Brgy. Ligas; at si Antonio Galano, 23, ng Barangay Bongahan sa Malolos City. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Julius Ceasar Domingo, sinita ni PO1 Jakiran ang mga suspek na lulan ng motorsiklo dahil sa kahina-hinalang kilos matapos na harangin ang isang motorsiklo. Gayon pa man, pinagtulungang gulpihin ang biktima saka tinangay ang kanyang cal. 9mm pistol. Nagawang arestuhin ng biktima si Galano habang ang dalawang suspek ay nasakote ng pangkat ni P/Senior Insp. Francisco Rodriguez.

ALKHAIZER JAKIRAN ANG ANTONIO GALANO BARANGAY BONGAHAN BARANGAY STA BARANGAY SUMAPANG MATANDA BULACAN DARWIN TAGUININ DEAN ROGER TAGUININ FRANCISCO RODRIGUEZ MALOLOS CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with