Katulong pinatay sa pukpok ng bato ng amo

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang katulong matapos na pagpupukpukin ng malaking tipak ng bato sa mukha at ulo ng among lalaki  sa isang kubo sa Brgy. Alac, San Quintin, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Neneth Veloria,  nasa hustong gulang, residente sa nasabing lugar. Siya ay nagtamo ng matitinding sugat sa ulo at mukha matapos na bagsakan ng malaking tipak ng bato ng ilang ulit ng suspek at idineklarang dead-on-arrival sa Eastern Pangasinan Hospital. Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspek na  si Gino Viado, 49, may asawa, ng Brgy. Mabini, San Quintin ng lalawigang ito. Naganap ang krimen sa kubo sa palayan na pag-aari at pahingahan ng suspek bandang alas-11 ng gabi. Habang magkasama sila sa kubo, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mag-amo sa hindi malamang isyu na humantong sa matinding galit ng suspek. Agad na kumuha ng malaking tipak ng bato ang suspek at pinagpupukpok ang biktima  sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siyang kumitil sa buhay nito.

ALAC ANG BOLUNTARYO BRGY EASTERN PANGASINAN HOSPITAL GINO VIADO HABANG KINILALA MABINI NENETH VELORIA SAN QUINTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with