_ngayon
^

Jailbreak: 3 preso pumuga

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2015 - 10:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Tatlong preso na may mga kasong kriminal ang nakapuga sa himpilan ng pulisya sa Tabaco City, Albay kamakalawa ng madaling araw. Kabilang sa mga presong tinutugis ay sina Randell Ryan “Galog” Carbonel, 38, ng Mariroc, Tabaco City; Virgilio “Gubot” Bonaobra Jr., 38, ng Barangay San Roque; at si Mark Anthony “Menmen” Yacat, 23, ng Barangay Palnab, Virac, Catanduanes. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nilagare ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng kulungan kung saan tiniyempuhang abala ang mga guwardiya. Nakita naman sa footage ng CCTV camera ang naganap na jailbreak kung saan nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang mga naka-duty na pulis.

ACIRC ALBAY BARANGAY PALNAB BARANGAY SAN ROQUE BONAOBRA JR. CAMP SIMEON OLA CARBONEL CATANDUANES LEGAZPI MARK ANTHONY RANDELL RYAN TABACO CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with