North Cotabato at Maguindanao blackout… 2 tore ng NGCP, pinasabog
NORTH COTABATO, Philippines – Bumagsak ang dalawang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) makaraang bombahin ng mga di-kilalang terorista sa Barangay Batulawan, bayan ng Pikit, North Cotabato noong Biyernes ng gabi.
Sa pahayag ni P/Insp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP, tinaniman ng improvised explosive device (IED) na gawa sa 81mm at 60mm bala ng mortar ang Tower 44 at Tower 45 ng NGCP kung saan nagdulot malawakang blackout sa buong North Cotabato at Maguindanao
Nagulantang na lamang ang mga residente matapos makarinig ng magkasunod na pagsabog kung saan kasunod nito ay gumapang na ang kadiliman sa mga nasabing lugar.
Nabatid na ang pinasabog na dalawang tore ng NGCP ay nagsu-supply ng kuryente sa buong North Cotabato, Cotabato City sa Maguindanao at karatig bayan.
Karamihan sa mga residente na naniniwala na kagagawan ito ng Alkhobar terror group na nakabase sa Maguindanao.
- Latest