Election hotspots, tinukoy
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Tinukoy ng mga awtoridad ang Cotabato City at limang bayan sa Maguindanao bilang areas of immediate concern (election hotspots) kaugnay ng gaganaping May 2016 national elections sa bansa.

Sa inisyal na ulat ng Police Regional Office 12, kabilang sa mga areas of immediate concern  sa rehiyon ay ang Cotabato City.

Samantala, tinukoy naman ni Maguindanao Provincial PNP Director P/Senior Supt. Nickson Muksan sa security briefing ng Peace and Order Council ang mga bayan ng Sultan sa Barongis, Rajah Buayan, Sultan Mastura, Datu Unsay at bayan ng Matnog bilang mga hotspots sa halalan.

Sa batayan ng mga awtoridad, itinuturing na hotspots ang isang lugar kapag may matinding banggaan ang mga pulitikong magkakalaban sa halalan na posibleng pagmulan ng pagdanak ng dugo.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng PNP at mga opisyal ng Army’s 6th Infantry Division sa pamumuno ni Major Gen. Edmundo Pangilinan ang kanilang kahandaan para tiyakin ang mapayapa at malinis na halalan.

Nabatid na natatakot ang mga guro na magsil­bing Board of Election Ins­pectors (BOI) sa mga lalawigan bunga ng mga banta ng karahasan.

Inaasahan namang ma­kakalaban ni re-electionist Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu ng Liberal Party si dating Talayan Mayor Datu Ali Midtimbang ng United Nationalist Alliance sa May 2016 national elections.

ACIRC ANG BOARD OF ELECTION INS COTABATO CITY DATU UNSAY DIRECTOR P EDMUNDO PANGILINAN ESMAEL MANGUDADATU INFANTRY DIVISION LIBERAL PARTY MGA SOCCSKSARGEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with