^

1 patay, 6 sugatan sa karambola ng sasakyan

Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2015 - 10:00am

Batangas, Philippines – Patay ang isang lalaki habang anim katao ang sugatan nang araruhin ng isang shuttle bus ang anim na sasakyan sa bayan ng Malvar kahapon ng umaga.

Kinilala ni Sr. Insp. Alberto Fabregas, hepe ng Malvar Police station ang nasawi na si Manuelito Buizon, ng San Jose, Del Monte, Bulacan. Siya ay dead on the spot.

Ang mga sugatan ay sina Ronie Manalo, Shiela Bunon, mga residente ng Mal­var; Gilbert Flores, Ariston Tana, Enrique Villamer at Rosemarie dela Pena pawang mga residente naman ng Sto. Tomas, Batangas at pawang ginagamot sa CP Reyes Hospital at Mercado Hospital sa Tanauan City.

Ayon sa report, binabagtas ng FS Shuttle bus ang kahabaan ng National Highway nang mawalan ng preno at araruhin ang dalawang motorsiklo na ang isa ay minamaneho ng nasawi, isang Nissan Urban van, dalawang kotseng Toyota at isang Suzuki van pagsapit sa Brgy. Luta, Norte bandang alas-11:50 ng umaga.

Mabilis na tumakas ang driver ng bus na si Raymond Maranan, 32, ng Brgy. Matala, Ibaan pero nahuli din siya ng mga awtoridad sa kanyang bahay. Siya ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries.

ALBERTO FABREGAS ANG ARISTON TANA BRGY DEL MONTE ENRIQUE VILLAMER GILBERT FLORES MALVAR POLICE MANUELITO BUIZON MERCADO HOSPITAL NATIONAL HIGHWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with