^

Probinsiya

Lovers dinedo sa parking lot ng mall

Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines – Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya niratrat at pinatay ng mga di-kilalang kalalakihan ang sinasabing magkalaguyo sa loob ng SUV na nakaparada sa parking area ng kilalang shopping mall sa Barangay Lagundi, bayan ng Mexico, Pampanga kamakalawa ng umaga,

Sa inisyal na ulat ni P/Supt. Wilson Alicuman, hepe ng Mexico PNP, kinilala ang mga biktima na sina Aly Santos y Mendoza, 50, may asawa, ng Barangay Sta. Catalina sa bayan ng Lubao; at Liezel Corpuz y Gabriel, 27, dalaga, ng Barangay Conception sa bayan din ng Lubao.

Sa inisyal na pagsisiyasat nina SPO3 Robert Reynoso at PO3 Marlon Mendoza, sina Santos at Corpuz ay may mga tama ng bala sa ulo ay iginapos saka inilagay sa backseat ng Hyundai Tucson na may plakang MOB-19.

Base sa nakalap na entrance ticket, lumilitaw na Linggo ng gabi nang pumasok sa parking area ang nasabing SUV kung saan pinaniniwalaang patay na ang dalawa sa loob ng sasakyan at iniwan na lamang ng di-kilalang driver.

Nadiskubre ang insidente habang nagpapatrolya ang security guard na si Jestoni Bacnutan bandang alas-7:20 ng umaga kaya kaagad na ipinagbigay-alam sa pulisya.

Narekober sa loob ng sasakyan ang tatlong basyo ng cal. 9mm pistol at mga personal na gamit ng dalawa.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, nagbalikbayan ang biktimang lalaki noong Agosto 2015 mula sa Amerika dahil namatay ang kanyang hipag.

Sinasabing nagkarelasyon ang dalawa matapos ipakilala ng kaibigan ni Santos ang babae hanggang sa magkakilala at mauwi sa bawal na pag-ibig.

ALY SANTOS

ANG

BARANGAY CONCEPTION

BARANGAY LAGUNDI

BARANGAY STA

HYUNDAI TUCSON

JESTONI BACNUTAN

LIEZEL CORPUZ

LUBAO

MARLON MENDOZA

ROBERT REYNOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with