Magkapatid lunod sa mini dam
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2015 - 10:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaglalamayan ngayon ang magkapatid na lalaki matapos itong malunod sa paligsahang lumangoy sa mini dam sa Barangay San Antonio, bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa ng umaga. ?

Kinilala ni P/Chief Insp. Nelson Vallejo, hepe ng Cabagan PNP ang mga namatay na sina Allan Tuliao, 25; at Archie Tuliao, 16, mga nakatira sa Barangay San Rafael Alto sa bayan ng Sto. Tomas. ?

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkayayaan ang magkapatid kasama pa ang kanilang panganay na utol na si Serapio Tuliao na magtampisaw sa mini dam upang pawiin ang init sa katawan.

Ayon sa ulat, nagpaligsahan ang tatlo sa pag­langoy upang abutin ang kabilang pampang ng dam subalit hindi na nakayanang lumangoy ng dalawa at tuluyang lumubog sa gitna ng imbakan ng tubig.?

Dakong hapon na nang makuha ang bangkay ng mag-utol matapos ang search and rescue operation ng mga opisyal ng barangay.

ACIRC ALLAN TULIAO ANG ARCHIE TULIAO AYON BARANGAY SAN ANTONIO BARANGAY SAN RAFAEL ALTO CABAGAN CHIEF INSP NELSON VALLEJO SERAPIO TULIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with