P3 M halaga ng shabu nasabat sa Dumaguete
(Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2015 - 3:31am

MANILA, Philippines – Arestado ang isang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga sa Dumaguete City, ayon sa the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si Josephine Cabasag, 46, ng Crossing Taclobo, Taclobo, Dumaguete City.

Nasakote si Cabasag nitong Lunes sa isang buy bust operation ng mga awtoridad sa Purok Kalubihan, Daro, Dumaguete City.

Kaagad hinuli ang suspek matapos iabot ang limang gramong shabu sa undercover agent ng PDEA.

Nabawi pa mula sa kaniya ang 28 pakete ng shabu na may bigat na 300 gramo at nagkakahalaga ng P3 milyon.

Nahaharap ngayon si Cabasag sa kasong paglabag ng Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ANG ARESTADO CABASAG CROSSING TACLOBO DARO DRUG ENFORCEMENT AGENCY DRUGS ACT DUMAGUETE CITY JOSEPHINE CABASAG PUROK KALUBIHAN REPUBLIC ACT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with