Himpilan ng pulisya, pinasabog
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nawasak ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Maimbung sa Sulu matapos sumabog ang  itinanim na improvised explosive device ng mga di-kilalang lalaki noong Sabado ng gabi. Sa ulat na nakarating kay Joint Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Alan Arrojado, bandang alas-6:45 ng gabi nang yanigin ng pagsabog ang nasabing presinto sa Barangay Laum. Nawasak ang bakod, kusina, at kisame ng himpilan ng pulisya kung saan wala namang iniulat na saktan o namatay sa nasabing pagsabog. Kasalukuyang sinusuri ng mga tauhan ng Explosive Ordinance Disposal teams ang mga nagkalat na shrapnel ng bomba na pinaniniwalaang nagmula sa mga bandidong Abu Sayyaf.

ABU SAYYAF ALAN ARROJADO ANG BARANGAY LAUM EXPLOSIVE ORDINANCE DISPOSAL JOINT TASK GROUP SULU COMMANDER BRIG KASALUKUYANG MAIMBUNG MGA NAWASAK SABADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with