Truck vs bus: Driver todas, 55 sugatan
Jonie Capalaran (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2015 - 10:00am

BATAAN, Philippines – Patay ang 56-anyos na driver ng bus habang 55-katao naman ang sugatan makaraang magkasalpukan ang pampasaherong bus at truck sa kahabaan ng Roman Highway sa Barangay Bagong Silang, Balanga City, Bataan noong Miyerkules ng hapon. Namatay sa ICMC Hospital ang driver ng bus na si Joselito Hizon ng Mariveles, Bataan habang isinugod sa iba’t ibang pagamutan ang mga sugatang biktima kabilang ang driver ng truck na si Marlon Apralejas at pahinanteng si Ronel Ebora. Sa inisyal na ulat ni SPO1 Rommel Magtoto, nawalan ng control sa manibela ang driver ng truck (AAU 8575) na patungong Metro Manila kaya sumalpok sa kasalubong na pampasaherong bus (CXM 842) na patungo naman sa bayan ng Mariveles.

ANG BALANGA CITY BARANGAY BAGONG SILANG JOSELITO HIZON MARIVELES MARLON APRALEJAS METRO MANILA MIYERKULES ROMAN HIGHWAY ROMMEL MAGTOTO RONEL EBORA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with