3 Nigerian kalaboso sa droga
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2015 - 10:00am

CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong Nigerian sa inilatag na buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Okoye Thidera, 32, ng Block 15 Lot 9 sa Brgy. Fatima 1, Dasma­riñas City, Cavite; Paschal Ezeanaka, 26, estudyante ng Philippine Christian University, ng Block 12 Lot 76, Malinta, Regency Town Homes, Barangay Sampaloc II, Dasmariñas City; at si Jonathan Businge, 36, ng #560 R Palma, Barangay San Antonio, Cavite City, Cavite. Ayon kay PO3 Daisy Diones, si Okoye ay nakumpiskahan ng 300 gramo ng shabu sa isina­ga­wang buy-bust operation sa Barangay Burol. Samantala, sina Ezea­naka at Businge ay nakumpiskahan naman ng 200 gramo ng shabu sa bisinidad ng Brgy. Sampaloc 1. Kumpiskado rin ang Toyota Camry na may plate number XNH 837 na pag-aari ng isa sa mga suspek.

ACIRC ATILDE BARANGAY BUROL BARANGAY SAMPALOC BARANGAY SAN ANTONIO BRGY CAVITE CAVITE CITY DAISY DIONES DASMARI NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with