1 dedo, 4 grabe sa road mishap
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2015 - 10:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 65-anyos na lolo ang nasawi samantalang apat pa ang kritikal matapos na sumalpok ang minamaneho nitong tricycle sa kasalubong ding tricyle sa Aspiras Highway sa Barangay Francia West, Tubao, La Union kamakalawa. ?

Namatay si lolo Ernesto de Castro  habang ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City kung saan dinala ang nakasalpukan niyang driver na si Jean Estonilo, 46, at mga pasahero nitong sina Ryan Jason Carrera, Minda Medrano at Kristel Louie Zarate.?

Lumalabas na binangga ng lolo ang kasalubong na tricycle ni Estonillo matapos mag-overtake sa isa pang sasakyan at nagnakaw ng linya sa highway.? Sa lakas ng impact, kapwa bumaligtad ang dalawang sasakyan habang tumilapon ng ilang metro at nagpagulong-gulong sa kalsada ang mga sakay nito.?

ANG ASPIRAS HIGHWAY BARANGAY FRANCIA WEST ERNESTO ILOCOS TRAINING AND REGIONAL MEDICAL CENTER JEAN ESTONILO KRISTEL LOUIE ZARATE LA UNION MINDA MEDRANO RYAN JASON CARRERA SAN FERNANDO CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with