^

Probinsiya

DSWD official todas sa ambush!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)  ang nasawi matapos na tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki na mag-kaangkas sa motorsiklo habang sugatan ang isang nadamay na security guard sa Brgy. Gusa, Cagayan de Oro City nitong Biyernes ng gabi.

Idineklarang dead-on- arrival sa Capitol University Medical Center ang biktima na nakilalang si Ramon Escudero II, DSWD officer at dati ring disc jockey sa isang lokal na radio station sa lungsod bunsod ng tadtad ng tama ng bala sa dibdib.

Sa ulat ng Cagayan de Oro City Police, naganap ang pananambang ng motorcycle-riding-in-tandem kay Escudero bandang alas-9:30 ng gabi habang lulan ng kanyang kulay puting Toyota Tamaraw FX.

Isang guwardiya na kinilalang si Eric Pacana ang malubhang nasugatan matapos na mahagip ng bala habang isinasagawa ng mga suspek ang pamamaril sa nasabing DSWD official.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na siyang ginamit sa krimen.

ANG

BIYERNES

BRGY

CAPITOL UNIVERSITY MEDICAL CENTER

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ERIC PACANA

ISANG

ORO CITY

ORO CITY POLICE

RAMON ESCUDERO

TOYOTA TAMARAW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with