^

Probinsiya

20 pulis-adik sinibak sa serbisyo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa 20-pulis mula sa PNP Region 10 na sinasabing nagpositibo sa paggamit ng bawal na droga ang tuluyang sinibak sa  serbisyo, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Regional director P/Chief Supt. Lendyl Desquitado, ang pagsibak sa 20-pulis ay bahagi ng pinalakas na binuong internal determination body ng PNP Regional Crime Laboratory kung saan pi­nirmahan ng opisyal ang dismissal order ng mga ito para mahiwalay sa orga­nisasyon.

Naniniwala ang opisyal na magsisilbing wake-up call sa lahat ng kapulisan na maging matapat sa tungkulin at huwag sayangin ang pagkakataong mapabilang sa organisasyon.

Una nang ipinag-utos ni PNP Chief Director Ge­neral Ricardo Marquez kay Desquitado na madaliin ang pagsibak sa mga kasama­hang pulis dahil sa pagiging drug users.

Ikinalungkot naman ni Desquitado ang sinapit ng mga pulis na mawala sa serbisyo subalit mas kakatigan nito na magkaroon ng kakaunting bilang ng mga tauhan na matino sa kanilang tungkulin.

ACIRC

ANG

AYON

CHIEF DIRECTOR GE

CHIEF SUPT

COTABATO (NORTH)

DESQUITADO

IKINALUNGKOT

LENDYL DESQUITADO

NANINIWALA

REGIONAL CRIME LABORATORY

RICARDO MARQUEZ

SOCCSKSARGEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with