Trike vs motorbike: 2 todas
Alex Galang (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2015 - 10:00am

OLONGAPO CITY, Philippines  -  Dalawa-katao ang namatay makaraang salpukin ng traysikel ang kasalubong na motorsiklo sa Barangay La Paz, bayan ng San Marcelino, Zambales noong Linggo ng gabi. Ayon kay P/Inspector Geoffrey Javier, hepe ng San Marcelino PNP, namatay habang isinusugod sa San Marcelino District Hospital ang mga biktimang sina Darryl Lester Sabado, 26; at Eunil Ogao-Ogao, 22, habang sugatan naman ang pasahero ng trike na si Maybelyn Doblado. Lumilitaw na nag-ovetake ang traysikel ni Sabado sa sinusundang motorsiklo kaya sumalpok naman ito sa motorsiklo ni Ogao-Ogao. Kapwa tumilapon sina Sabado at Ogao-Ogao mula sa kani-kanilang sasakyan habang nagliyab naman ang traysikel. Napag-alamang lango sa alak si Sabado nang makasalpukan ang motorsiklo ni Ogao-Ogao.

 

ANG BARANGAY LA PAZ DARRYL LESTER SABADO EUNIL OGAO-OGAO INSPECTOR GEOFFREY JAVIER MAYBELYN DOBLADO OGAO OGAO-OGAO SABADO SAN MARCELINO SAN MARCELINO DISTRICT HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with