^

Probinsiya

School director, 2 pa patay tribal war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang school director ang napatay makaraang salakayin at sunugin ng 30-kalalakihan ang isang komunidad sa bulubunduking bahagi ng Barangay Diatagon sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Emerico Samarta, director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (Alcadev), at ang dalawang sibilyang sina Dionel Campus at Aurelio Sinzo.

Si Samarta na iginapos ang mga kamay at paa ay tinadtad ng saksak habang sina Campos at Sinzo ay pinalabas ng kanilang bahay saka niratrat.

Sa ulat ng Army’s 75th Infantry Batallion, sinalakay ng mga armadong kala­lakihan ang komunidada ng Manobo tribe sa KM 16 sa nasabing barangay kung saan sinunog ang isang eskuwelahan at mga kabahayan.

Sinabi ni Caber na ang insidente ay resbak ng mga kalabang tribo ng Manobo tribe dahil nalagasan din sila ng mga kasamahan sa clan war sa nasabing bayan kamakailan.

Kaugnay nito, itinanggi naman ni Caber ang paratang ng militanteng grupong Karapatan na mga sundalo umano ang nasa likod ng pagpatay at pa­nununog.

Nabatid na ang nasabing lugar ay sinasabing malakas ang impluwensya ng mga rebeldeng komunista.

Sa katunayan, ayon kay Caber ay nagsitakas ang grupo ng kalaban ng Manobo tribe matapos na mamataan ang tropa ng militar at pulisya na rumes­ponde.

vuukle comment

ACIRC

AGRICULTURAL AND LIVELIHOOD DEVELOPMENT

ALTERNATIVE LEARNING CENTER

ANG

AURELIO SINZO

BARANGAY DIATAGON

DIONEL CAMPUS

EMERICO SAMARTA

INFANTRY BATALLION

MANOBO

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with