^

Probinsiya

Wanted tiklo dahil sa Facebook

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN-Dahil sa Facebook ay natunton ng pulisya ang pinagtataguan ng isang lalaking wanted sa bigong pagpatay sa isang traysikel drayber nang salakayin ang bahay nito sa Brgy. Santa Clara,Santa Maria,Bulacan kahapon.

Ang suspek ay nakilalang si Danny Gole-Cruz 22, traysikel drayber ng Brgy. Silangan sa bayang nabanggit at  nakatala bilang Top 5 sa Priority List ng Lambat Sibat at Top 3 sa Manhunt Charlie ng lokal na pulisya.

Sa ulat,dakong alas-10:45 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang bahay ng suspek sa Kamagong St.,Sitio Tabing-Ilog matapos na makumpirmang nasa loob ito at natutulog.

Nabatid na ang biktimang si McNiel Domingo 19,traysikel drayber at residente ng Brgy.Guyong ang nagsumbong sa pulisya na ang suspek ay bumalik sa kanyang bahay matapos na makita nito ang facebook account.

Batay sa record na noong Agosto 28, 2014,dakong alas-2:00 ng madaling araw ay nagpahatid ang suspek sa biktima at pagdating madilim na bahagi ng Brgy. Santa Cruz ay sinaksak ito ng ilang ulit hinggil sa umanoy relasyon ng biktima sa kinakasamang babae ng suspek.

ANG

BRGY

DANNY GOLE-CRUZ

KAMAGONG ST.

LAMBAT SIBAT

MANHUNT CHARLIE

PRIORITY LIST

SANTA CLARA

SANTA CRUZ

SANTA MARIA

SITIO TABING-ILOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with