^

Probinsiya

Drug dealer dakma sa P1.2-M shabu

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang 31-anyos na drug dealer makaraang masakote ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at lokal na pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Sitio Pookan, Barangay Tabugon sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Malu Cabrador Calubaquib, spokesperson ng Camp Simeon Ola,  isinagawa ang operasyon sa pangunguna ni P/Chief Insp. Juancho Ibis kung saan nasakote ang suspek na si Mamao Misug ng Brgy. Baclaran sa bayan ng Calauag, Quezon. Pinaghahanap naman ang kasabwat ni Misug na si Batotoy Regala na nagawang makatakas sa buy-bust operation. Nasamsam sa suspek ang 250 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon at ang P1,000 mark money na ginamit sa operasyon.

BARANGAY TABUGON

BATOTOY REGALA

CAMARINES NORTE

CAMP SIMEON OLA

CHIEF INSP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JUANCHO IBIS

MALU CABRADOR CALUBAQUIB

MAMAO MISUG

SENIOR INSP

SITIO POOKAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with