SUV vs motorsiklo: 1dedo, 1 malubha

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2015 - 10:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Isa ang patay habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos sumalpok ang isang motorsiklo sa kasalubong na Mitsubishi Montero sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Ang nasawi ay si Jeremy Juan, 23, habang sugatan si Ryan Juan, 25, kapwa residente ng Barangay Salinas sa nabanggit na bayan.

Napag-alaman na habang tinatahak ng isang Mitsubishi Montero (AAV 3153) na minamaneho ni Benie Winia, 35, residente ng Liwan West, Rizal, Kalinga ang kahabaan ng kalsada sa nasabing lugar nang makasalubong ang Honda na motorsiklo (BA 51061) na minamaneho ni Juan.

Sa imbestigasyon, umagaw umano sa linya ang motorsiklo kung kaya’t sumalpok sa kasalubong na Montero.

Agad naman na sumuko sa himpilan ng pulisya si Winia matapos ang insidente.

ANG BAMBANG BARANGAY SALINAS BENIE WINIA ISA JEREMY JUAN KALINGA LIWAN WEST MITSUBISHI MONTERO NUEVA VIZCAYA RYAN JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with