^

Probinsiya

Mag-asawa pinatay itinapon sa balon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 58-anyos na Kano at misis nitong Pinay matapos na patayin ng mga di-kilalang lalaki ay itapon pa ang bangkay sa may 20 talampakang lalim na balon sa Brgy. Blumentritt, bayan ng Murcia, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Samuel Nacion ang mag-asawa na sina Kevin Fleischauer at Lolly Mangilaya Fleischauer, 60.

Ang bangkay ng mag-asawa ay nagsisimulang maagnas nang maiahon sa balon na indikasyong ilang araw na itong pinatay bago itinapon sa balon.

Bandang alas-8:05 ng gabi  kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ni Kevin habang nakalutang sa malalim na balon may ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Samantalang narekober naman kahapon ang bangkay ni Lolly matapos na limasin ng mga pulis at mga kaibigan ng biktima ang tubig sa balon.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, isang kaibigan ng mag-asawa ang nagtungo sa bahay dahil may dalawang linggo na ang mga itong hindi nagtutungo sa Baptist Church sa nasabing bayan.

Nang tunguhin ng mga kasamahan sa simbahan ang bahay ng mag-asawa ay nadiskubreng magulong-magulo ang buong kabahayan kaya napilitan silang tumawag ng mga pulis.

Bandang alas-5:40 ng hapon nang rumesponde ang mga operatiba ng pulisya na naghanap sa paligid hanggang sa mapagawi sa may balon.

Dito na nagulantang ang mga awtoridad nang madiskubreng nakalutang ang bangkay ng Amerikano.

Samantala, puwersahan ding winasak ang mga seradura ng pintuan kung saan nagha­lughog pa sa mga drawer at cabinet ang mga suspek habang nakaparada naman sa may garahe ang Toyota Adventure service vehicle ng mag-asawa.

 

ANG

BANDANG

BAPTIST CHURCH

CAMP CRAME

KEVIN FLEISCHAUER

LOLLY MANGILAYA FLEISCHAUER

MGA

NEGROS OCCIDENTAL

SAMUEL NACION

SENIOR SUPT

TOYOTA ADVENTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with