Obrero hulog mula 3rd floor ng gusali
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2015 - 10:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nagkalasug-lasog ang katawan ng 31-anyos na construction worker matapos itong mahulog sa ikatlong palapag ng Megacentrum building sa Taft District ng Bangued, Abra kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Vic Orcino, hepe ng Bangued MPS, nawalan ng balanse ang biktimang si Joseph Angelo Basilan habang humahakbang sa steel scaffoldings ng ginagawang gusali.? Lumagapak sa sementadong kalsada ang biktima kaya maagap na sinalubong ni kamatayan. Kaagad na dinala ng kanyang mga kasamahan sa Seares Hospital subalit idineklarang patay dahil sa pagkabasag ng bao ng ulo. Pinag-aaralan ng pulisya kung may pananagutan ang nasabing kompanya sa pagkamatay ng biktima.

ABRA BANGUED CHIEF INSP JOSEPH ANGELO BASILAN KAAGAD LUMAGAPAK MEGACENTRUM NAGKALASUG SEARES HOSPITAL TAFT DISTRICT VIC ORCINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with