Kapitana patay sa hired killer, 2 pa sugatan
(Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2015 - 10:00am

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines –Isang kapitana ng barangay ang nasawi nang pagbabarlin ng hinihinalang hired killer habang sugatan ang dalawa pa kasama ang mister nito na dati ring kapitan ng barangay sa Brgy. Aguada, Placer, Masbate kamakalawa.

Hindi na umabot pang buhay sa Cataingan District Hospital ang biktima na si Rodilyn Camay, 44, may asawa, chairman ng Brgy. Matagangtang, Placer habang sugatan ang mister nito na si Romil Camay at isang delivery boy na si Giovani Liquigan na tinamaan ng ligaw na bala.

Sa report kay P/Sr. Insp. Carlos Estonilo, dakong alas-9:40 ng umaga habang papauwi ang nasawi kasama ang mister na si Romil Camay, 45-anyos,  lulan ng motorsiklo nang sila ay pagbabarilin ng isang lalaki nang sila ay mapadaan sa National Road,  harapan ng pamilihang bayan.

Agad na pinagbabaril ng ‘di kilalang suspek ang mag-asawang Camay gamit ang kalibre .45 pistola. Napuruhan sa ulo at katawan ang kapitana habang ang mister ay nagtamo rin ng tama na kasalukuyang inoobserbahan sa  Masbate Doctors Hospital.

Nagdidiskarga naman ng beer si Liquigan mula sa delivery truck nang mahagip ng ligaw na bala. Matapos ang pamamaril,  mabilis na tumakas ang suspek patungong Brgy. Burabod.

Sinisilip na may kaugnayan sa pulitika at nalalapit na halalan ang motibo ng pagpatay sa biktima.

Bumuo na ng Special Investigation Task Force ang PNP provincial Command upang tugisin ang suspek. (Francis Elevado/Ed Casulla)

 

ANG BRGY CARLOS ESTONILO CATAINGAN DISTRICT HOSPITAL ED CASULLA FRANCIS ELEVADO GIOVANI LIQUIGAN LEGAZPI MASBATE DOCTORS HOSPITAL NATIONAL ROAD RODILYN CAMAY ROMIL CAMAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with