Jailbreak: 4 preso pumuga
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Apat na preso kabilang ang isang menor-de-edad na lalaki na may mga nakabinbing kasong pagtutulak ng bawal na droga ang nakapuga matapos lagariin ang rehas na bakal sa likuran ng selda noong Lunes ng gabi sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Maramag, Bukidnon. Sa ulat ng Bukidnon PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang apat na pumuga na sina Gideon Morala, 36; Rache Margallo, 34; Rodel Caparida, 29; at ang 17-anyos na si Rolly. Lumilitaw sa imbestigasyon, sinamantala ng mga preso ang malakas na buhos ng ulan kung saan nilagare ang rehas na bakal. Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang mga pulis na nagbabantay.

ANG APAT BUKIDNON CAMP CRAME GIDEON MORALA LUMILITAW MARAMAG NALALAGAY RACHE MARGALLO RODEL CAPARIDA ROLLY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with