GRO patay sa pakikipag-sex
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Patay ang 45-anyos na guest relation officer (GRO)  matapos itong atakihin sa puso habang nakikipagtalik sa lalaki na kaniyang ka-date sa loob ng lodging inn sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Corazon Montelibano Memorial Hospital ang biktimang nakilala sa pamamagitan ng kaniyang voter’s ID na si Marian Baltazar ng Legazpi City, Albay at namamasukan sa video bar sa Silay City, Negros Occidental.

Samantala, inimbitahan naman ng Bacolod City PNP para imbestigahan ang katalik ng biktima na nakilalang si Bill Mejica, 59, matapos na mamatay sa pakikipagtalik ang babae.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, nag check-in sa Room 37 ng Adam’s Lodge sa Brgy. Bata, Bacolod City ang dalawa.

Gayon pa man, bandang alas-9 ng gabi ay humingi ng tulong sa mga staff si Mejica matapos magtuluy-tuloy  umubo, paninikip ng dibdib at nagsuka pa ang nasabing babae.

Ang nasabing babae ay sinasabing sinumpong ng hika hanggang sa mawalan ng malay kaya nag-buzzer ang nasabing lalaki sa nasabing lodging inn.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima na pinaniniwalaang inatake sa puso pero idineklara na itong patay.

Nakatakda namang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang alamin ang pagkamatay nito.

ALBAY ANG BACOLOD CITY BATA BILL MEJICA CAMP CRAME CORAZON MONTELIBANO MEMORIAL HOSPITAL LEGAZPI CITY MARIAN BALTAZAR NEGROS OCCIDENTAL SILAY CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with