_ngayon
^

Traffic enforcer pinatay sa kalsada

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2015 - 10:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 42-anyos na traffic enforcer na abala sa pagmamando ng trapiko sa kalsada matapos itong pagsasaksakin ng di-kilalang lalaki  kamakalawa ng gabi sa Ziga Avenue, Barangay San Juan sa Tabaco City, Albay. Hindi na umabot ng buhay sa Amado Cope Hospital ang biktimang si Sunday Borais ng Purok 2, Barangay Baranghawon sa nasabing lungsod. Nakatakas naman ang killer matapos itong sumabay sa mga tao na tumatawid sa kalsada. Naisugod naman sa nasabing ospital ang biktima subalit namatay din dahil sa mga tama ng saksak sa likuran ng kanyang katawan. Pinaniniwalaang isa sa motorista na nakagalit ng biktima ang nasa likod ng krimen habang sinusuri naman ng pulisya ang ilang CCTV camera footage para makilala ang suspek.

ALBAY AMADO COPE HOSPITAL ANG BARANGAY BARANGHAWON BARANGAY SAN JUAN LEGAZPI NAISUGOD NAKATAKAS NAPATAY SUNDAY BORAIS TABACO CITY ZIGA AVENUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with