^

Isnatser kumasa sa parak, bulagta

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2015 - 10:00am

BULACAN, Philippines - Hindi umubra ang tikas ng isang lalaking sinasabing notoryus na isnatser nang manlaban sa mga pulis at mapatay habang hinahabol matapos na hablutin ang bag ng isang pasaherong kahera sa Brgy. Maharlika, San Jose Del Monte City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyan pang inaalam ang pangalan ng suspek bunsod ng kawalan ng pagkakakilanlan makaraang masawi habang ginagamot sa San Jose Del Monte District Hospital bunga ng tinamo nitong tama ng bala sa katawan.

Base sa ulat ni P/Supt. Charlie Cabradilla, dakong alas-10:30 ng gabi habang pauwi at sakay sa isang pampasaherong jeep ang biktimang si Rosalie Adona, 22, ng Riverside, Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City nang hablutin ang kanyang bag ng suspek.

Nauna rito, habang tinatahak ng jeep ang kahabaan ng Quirino Highway sa Brgy. Maharlika nang parahin ng suspek hanggang sa tabihan ang biktima sa upuan. Sinamantala ng suspek ang kabagalan ng sasakyan at biglang hinablot ang bag ng biktima.

Hindi nawalan ng loob ang biktima na agad na bumaba sa jeep at humingi ng tulong sa mga pulis na nagpapatrolya dahil sa pinaiiral na Oplan Sita/ Madaanan police operation. Agad na itinuro ng biktima kay P/Insp. Jayson Quijana ang lugar na pinuntahan ng suspek at nang makita ay kaagad na pinatigil subalit binunot nito ang nakatagong .22 revolber na baril saka pinaputukan ang humahabol na mga pulis sanhi ng palitan ng putok na nagresulta ng kamatayan ng suspek.

Narekober sa suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng personal na kagamitan.

ANG BAGONG SILANG BRGY CALOOCAN CITY CHARLIE CABRADILLA JAYSON QUIJANA MAHARLIKA OPLAN SITA QUIRINO HIGHWAY ROSALIE ADONA SAN JOSE DEL MONTE CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with