^

Probinsiya

Mag-ina kinatay ng adik na mister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Karumaldumal ang sinapit na kamatayan ng isang misis at siyam na buwang sanggol  na anak nitong lalaki makaraang pagsasaksakin ng live-in partner dahil sa matinding selos sa Barangay Rizal, Silay City, Negros Occidental kamakalawa ng umaga.

Napuruhan sa kaliwang dibdib ang 20-anyos na ina na si Sakura Hanna Jimenea kung saan idineklarang patay sa Teresita Lopez Jalandoni Provincial Hospital habang ang sanggol ay nasaksak naman sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Nahaharap sa kasong double parricide ang suspek na si Ed Agustin Ortilla na sumuko sa pulisya matapos mahimasmasan sa ginawang brutal na pagpaslang sa kaniyang mag-ina.

Sa interogasyon, inamin ng suspek na tatlong araw na siyang hindi mapagkatulog matapos humithit ng shabu kaya sa sobrang high sa droga ay pinagsasaksak ang misis at tinamaan naman ang karga nitong sanggol.

Samantala, inamin din ni Ortilla sa pulisya na matinding selos ang nagtulak sa kaniya para patayin ang kaniyang misis at hindi niya sinasadyang mapatay ang anak.

ANG

BARANGAY RIZAL

ED AGUSTIN ORTILLA

KARUMALDUMAL

NAHAHARAP

NAPURUHAN

NEGROS OCCIDENTAL

ORTILLA

SAKURA HANNA JIMENEA

SILAY CITY

TERESITA LOPEZ JALANDONI PROVINCIAL HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with