Pulis pa sangkot sa holdap, timbog
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2015 - 10:00am

NUEVA ECIJA, Philippines – Isa pang pulis sa sangkot sa holdapan at nakasagupa sa isang shoot-out ng kapwa mga pulis sa Dupinga River sa Gabaldon noong Huwebes ng hapon ang naaresto matapos siyang matunton ng mga awtoridad sa kanyang bahay sa Brgy. Talabutab Norte, bayan ng General Natividad nitong Biyernes.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manuel Cornel, Nueva Ecija Police provincial director, ang suspek na si PO3 Benito Flores Marquez, nakatalaga sa General Natividad Police Station.

Si PO3 Marquez ay kasama ng napatay na holdaper na si Raymund Reyes at dalawang naarestong suspek na sina PO1 Alvin Belmonte, miyembro ng Palayan City Police at Reynaldo Gozon, matapos nilang holdapin ang  delivery van ng Mighty Marvel cigarette sa Brgy. Malinao, Gabaldon, Nueva Ecija noong Huwebes ng hapon.

Hindi na lumaban pa si PO3 Marquez nang palibutan ang bahay nito ng mga pulis sa pamumuno ni P/Senior Insp. Rodolfo Racho at ng PPSC NEPPO sa pamumuno ni P/Insp. Roilan Gonzales. Siya ay inginuso umano ni PO1 Belmonte na kasama nilang nangholdap sa nasabing van.

ALVIN BELMONTE BENITO FLORES MARQUEZ BRGY DUPINGA RIVER GABALDON GENERAL NATIVIDAD GENERAL NATIVIDAD POLICE STATION HUWEBES MANUEL CORNEL MARQUEZ MIGHTY MARVEL
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with