2 driver patay sa salpukan ng sasakyan

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2015 - 10:00am

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawang driver ang kapwa binawian ng buhay matapos ang salpukan ng kani-kanilang sasakyan sa bayan ng Bambang ng lalawigang ito kamakalawa.

Isa sa mga nasawi ay nakilalang si Peter Daos, 34, ng San Andres, San Mateo, Isabela.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-8:00 ng umaga kamakalawa nang araruhin ng isang 10 wheeler trak na minamaneho ng nasa­wing si Daos ang isang nakaparadang tricycle na walang plaka sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Banggot, Bambang.

Sa lakas ng impak, agad na nasawi ang driver ng tricycle na kasalukuyan ay kinikilala matapos siyang madaganan kasama ang tricycle nito ng may 600 na kaban ng mga feeds na karga ng trak matapos itong bumaliktad. Sugatan din ang pahinate ng trak na si Edison Barlan, 30, ng San Mateo, Isabela.

Lumalabas na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng trak sa pababang bahagi ng kalsada sanhi upang salpukin ang tricycle.

ACIRC ANG BAMBANG BARANGAY BANGGOT DALAWANG EDISON BARLAN ISA ISABELA PETER DAOS SAN ANDRES SAN MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with