^

Misis todas sa bala na tumagos sa kisame

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2015 - 10:00am

LOPEZ, QUEZON, Philippines - Isang 42-anyos na Ginang ang nasawi nang tamaan ng bala na bumagsak mula sa kisame ng kanilang bahay sa Brgy. Magsaysay, kamakalawa. Namatay noon din ang biktima na si Bella Guita na nagtamo ng isang tama sa dibdib. Sa ulat,  dakong alas-5:45 ng hapon habang nakahiga ang biktima sa kama nang mapansin ng kanyang mister na si Jason na dumudugo ang dibdib nito. Nang kanyang siyasatin, nakita nitong may tama ang misis ng bala ng baril na bumagsak sa kanilang bubungan at tumagos sa kisame. Naisugod pa sa ospital ang misis subalit kalaunan ay nalagutan rin ng hininga. Inaalam na ng pulisya kung sino ang nagpaputok ng baril upang mapanagot sa pagkamatay ng biktima.

ANG BELLA GUITA BIKTIMA BRGY GINANG INAALAM ISANG MAGSAYSAY NAISUGOD NAMATAY NANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with