^

Probinsiya

Trader dinedo dahil sa kulasisi

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang kulasisi ang isa sa motibo kaya pinagtulungang saksakin ng dalawang katao ang 41-anyos na trader sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Apat na saksak ang tumapos sa buhay ni Noel Pabolayan, vegetable dealer at nakatira sa nabanggit na barangay. Arestado naman ang mga suspek na sina Leomar Rebellion, 28, ng Brgy. Santa Cruz; at Rolly Dayono, 30, ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, nakilala ang mga suspek matapos marekober ang cellphone ng biktima kung saan nakasaad ang relasyon nito sa ka-live-in ni Rebellion. Sa interrogasyon kay Rebelllion, inamin nito ang pagpatay sa biktima dahil ginawang kulalasi nito ang kanyang ka-live-in.

ANG

APAT

ARESTADO

BARANGAY POBLACION

BARANGAY STA

LEOMAR REBELLION

NOEL PABOLAYAN

RODOLFO HERNANDEZ

ROLLY DAYONO

SANTA CRUZ

SANTA MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with