High School stude dedo, 6 pa sugatan sa bleachers
Raymond Catindig (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2015 - 10:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang 14-anyos na high school student ang nasawi habang anim na kaklase ang su­gatan matapos bumigay ang depektibong steel bleachers na kanilang tinutuntungan sa gym ng kanilang eskwelahan sa Brgy. Dipintin, Maddela, Quirino kamakalawa. ?Sa report kay Chief Insp. Walter Pasicolan, hepe ng Madella PNP, dead-on-arrival sa pagamutan si Harley Vallejo Jr., third year student sanhi ng pagkabagok ng kanyang ulo at nabaling leeg nang madaganan ng bahagi ng bumigay na bakal. Lumalabas na nasa pinakataas na bahagi ng blea­chers ang nasawi nang bumagsak ito habang nagsasagawa ng klase ang mga mag aaral dakong alas-10:00 ng umaga. Tatlo sa anim pa ang isinugod sa Maddela District Hospital ang nasa kritikal na kalagayan na sina Jessabel Estabeln, 14, Grace Mejia, 15 at Jim­son Reyes, 14. Sinisiyasat ngayon ng pulisya ang maaaring responsibilidad ng Madella National High School at kontratista ng depektibong bleachers sa nangyaring sakuna.

ACIRC ANG BRGY CHIEF INSP DIPINTIN GRACE MEJIA HARLEY VALLEJO JR. JESSABEL ESTABELN MADDELA DISTRICT HOSPITAL MADELLA NATIONAL HIGH SCHOOL TUGUEGARAO CITY WALTER PASICOLAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with