Kagawad nagpatiwakal
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2015 - 12:00am

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines – Winakasan ng isang Brgy. kagawad ang kaniyang buhay matapos itong magbigti sa ilalim ng punong kahoy sa likuran ng kanilang tahanan sa Brgy. Cabanbanan, Balatan, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay nakilalang si Brgy. Kagawad Carlito Llorca, 46 anyos, opisyal ng barangay at residente sa lugar. Bandang alas-6 ng gabi ng madiskubre ang bangkay ng biktima na nakabigti sa ilalim ng puno  ng anonang. Pinaniniwalaan namang matinding problema sa pamilya ang motibo ng pagpapatiwakal ng biktima at patuloy rin ang imbestigasyon sa kaso. (Ed Casulla)

 

BALATAN BANDANG BIKTIMA BRGY CABANBANAN CAMARINES SUR ED CASULLA KAGAWAD CARLITO LLORCA PINANINIWALAAN WINAKASAN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with