Lider ng NPA rebels timbog
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bumagsak sa pinagsanib na elemento ng  tropa ng militar at pulisya ang isang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Ginablan Occidental, Matnog , Sorsogon kamakalawa ng umaga. Kinilala ni Captain Mardjorie Paimela Panesa, Spokesperson ng Army’s 9th Infantry Division (ID), ang nasakoteng suspek na si Jesus Guelas alyas Ka Gapa/ Insoy, Commanding Officer ng Provincial Operational Command, Komiteng Probinsya (KOMPROB) Sorsogon at miyembro ng Bicol Regional Party Committee. Bandang alas-11:40 ng umaga ng masakote  ng pinagsanib na tropa ng Army’s 903rd Brigade at Sorsogon police si Guelas sa bisinidad ng nabanggit na barangay. Nakumpiska mula kay Guelas ang isang cal. 45 pistol, mga bala, isang magazine para sa Ingram, at isang Improvised  Explosive Device (IED). (Joy Cantos)

 

BICOL REGIONAL PARTY COMMITTEE CAPTAIN MARDJORIE PAIMELA PANESA COMMANDING OFFICER EXPLOSIVE DEVICE GINABLAN OCCIDENTAL GUELAS JESUS GUELAS JOY CANTOS KA GAPA KOMITENG PROBINSYA SORSOGON
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with