_ngayon
^

Pulis sinapak ng traffic violator

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2015 - 12:00am

QUEZON, Philippines  - Ospital ang kinahantungan ng 36-anyos na  pulis makaraang sapakin ng kanyang inarestong traffic violator sa Barangay Malabanban Norte, bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng pasa sa mukha at mata ang biktimang si PO2 Jonathan Baterzal, may-asawa, naka-assign sa Candelaria PNP at nakatira sa Barangay Market View, Lucena City, Quezon.

Samantala, nakapiit naman sa himpilan ng pulisya at kinasuhan ng physical injury ang suspek na si John Paul de la Cruz, 29, ng Barangay San Isidro sa nasabing bayan.

Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Art Brual Jr. dakong alas-10 ng gabi, nagsasagawa ng “Oplan Sita” checkpoint ang grupo ni PO2 Baterzal sa Eco-Tourism Road sa hangganan ng Candelaria-San Juan Road nang kanilang parahin ang nakamotorsiklong si Dela Cruz.

Magalang namang hiningi ni PO2 Baterzal ang lisensya ni Dela Cruz subalit pagalit itong nagsabi na wala siyang lisensya. Kasunod nito ay sinuntok na sa mukha si PO2 Baterzal kaya ina­resto ito ng mga pulis matapos ang insidente.

 

ART BRUAL JR. BARANGAY MALABANBAN NORTE BARANGAY MARKET VIEW BARANGAY SAN ISIDRO BATERZAL CANDELARIA CANDELARIA-SAN JUAN ROAD DELA CRUZ ECO-TOURISM ROAD JOHN PAUL
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with