Konsehal na tulak-droga, tiklo
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2015 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nasakote ang 37-an­yos na konsehal ng barangay matapos itong makumpiskahan ng tatlong plastic sachets ng shabu na itinawid nito sa ilog sakay ng motorboat pagbaba nito pantalan sa Barangay Sanja, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Aparri PNP, ang suspek na si Kagawad Wilson Villacilo ay bumiyahe sa kabilang pampang ng Barangay Tubel, Allacapan nang abangan ng pulisya sa kanyang pagdaong. Nabatid na matagal nang sinusubaybayan ng pulisya ang operasyon at kilos ni Villacilo na malimit nilang nakikitang dumarayo sa bayan ng Aparri upang magbagsak ng shabu. Hindi na nakapalag ang suspek matapos makorner ng mga awtoridad na inihahanda na ang kaukulang kasong kakaharapin.

ALLACAPAN APARRI BARANGAY SANJA BARANGAY TUBEL CHIEF INSP KAGAWAD WILSON VILLACILO MINA DOMINGO NABATID NASAKOTE VILLACILO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with