_ngayon
^

School principal itinumba ng tandem

Arnell Ozaeta, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2015 - 12:00am

BATANGAS, Philippines - Patay ang 51-anyos na elementary school principal matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa bisinidad ng Barangay Malabanoy bayan ng San Juan, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas police director ang biktimang si Florencio Ilao, principal sa Palanan Elementary School sa nasabing bayan at nakatira sa Kaunlaran Homes Subd. sa Barangay Buhay-na-sapa sa nasabing bayan.

Base sa police report, sakay ng pampasaherong jeepney (DKU-818) ni Ro­gelio Delacio si Ilao patungo sa nasabing eskuwelahan para pumasok sa trabaho nang tabihan at ratratin ng tandem assassins pagsapit sa Barangay Mabalanoy bandang alas-6:45 ng umaga.

Nabatid na isinagawa ang pamamaril matapos huminto ang jeepney na sinasakyan ng biktima para magbaba ng pasahero.

Isinugod pa si Ilao sa San Juan District Hospital pero namatay din habang ginagamot sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan habang narekober naman ang mga basyo ng bala ng cal. 40 pistol.

 

BARANGAY BUHAY BARANGAY MABALANOY BARANGAY MALABANOY BATANGAS FLORENCIO ILAO ILAO KAUNLARAN HOMES SUBD OMEGA JIREH FIDEL PALANAN ELEMENTARY SCHOOL SAN JUAN SAN JUAN DISTRICT HOSPITAL
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with