Ambush: 2 sundalo todas, 3 pa sugatan

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2015 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patay ang dalawang sundalo samantalang tatlo ang nasa kritikal na kondisyon sa panibagong pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Balnao, Brgy. Limos, Pinukpuk, Kalinga kahapon (Feb.28) ng umaga. Matatandaan na noong Huwebes nasawi ang limang sundalo sa naunang pananambang ng mga rebelde sa Quirino, Ilocos Sur. Sa ulat na nakarating kay Sr. Insp. Francisco Ben, hepe ng PNP Pinukpuk, patungo sa isang civil military operation activities ang mga kasapi ng 50th Infantry Batallion nang paulanan  sila ng hindi nabatid na bilang ng mga rebelde dakong alas-8 ng umaga. Hindi muna isiniwalat ng awtoridad ang pangalan ng mga nasawing sundalo dahilan kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya. Patuloy naman ang hot pursuit operation laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pananambang.

BRGY FEB FRANCISCO BEN ILOCOS SUR INFANTRY BATALLION NEW PEOPLE PINUKPUK SITIO BALNAO SR. INSP
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with