^

Most wanted utas sa shootout

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2015 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang isang most wanted person na sinasabing may kasong double murder matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Purok 2, Barangay Quitago sa bayan ng Guinobatan, Albay. Kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Gata Hospital si Celso “Don” Ariola Jr. na may dalawang warrant of arrest na inisyu nina  Judge Ignacio N. Almodovar ng regional trial court Branch 1 at Judge Elmer Lanuzo ng regional trial court Branch 6 at walang kaukulang piyansa para pansamantalang makalaya. Sa ulat ng pulisya, sinalakay ng mga awtoridad ang pinagkukutaan ng suspek subalit nakipagbarilan ito kaya napatay. Mabilis na isinugod sa pagamutan ang suspek subalit hindi na ito umabot ng buhay kung saan narekober naman ang cal. 38 revolver.

ALBAY ALMODOVAR ARIOLA JR. BARANGAY QUITAGO CELSO GATA HOSPITAL GUINOBATAN JUDGE ELMER LANUZO JUDGE IGNACIO N KAMAKALAWA MABILIS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with