^

Barangay kagawad itinumba

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2015 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinabulagta ang 41-anyos na barangay kagawad na sinasabing tiktik ng militar at pulisya matapos itong rat­ratin ng ilang rebeldeng New People’s Army sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Del Rosario, bayan ng San Fernando, Masbate kahapon ng umaga.

Bandang alas-5 ng umaga nang pasukin ng mga rebelde ang bahay ng biktimang si Andy Amante saka kinaladkad palabas.

Ayon sa ulat, hinintay ng mga rebelde na gumapang ang liwanag sa ere bago isinagawa ang pamamaslang sa harap mismo ng pamilya ng nasabing opisyal ng barangay.

Nabatid na inakusahan ang biktima na nagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad kung saan pinabulaanan naman ng kanyang pamilya.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay pinagbabaril ang biktima na nakaluhod.

Palakad na tumakas ang mga rebelde na animo’y walang naganap na pamamaril.

ANDY AMANTE AYON BANDANG BARANGAY DEL ROSARIO ILANG MASBATE NABATID NEW PEOPLE SAN FERNANDO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with