Sinaway sa pamumulutan, pumatay
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2015 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY , Philippines – Tinutugis ngayon ng pulisya ang isang 19-anyos na binata na kumatay sa kanyang kainuman matapos magtalo dahil sa pulutan sa Brgy. Capalutan, Allacapan, Cagayan,  kamakalawa. 
Sa ulat na natanggap ni Senior  Insp. Joefferson Gannaban, hepe ng PNP Allacapan, nag-ugat ang pagtatalo ng biktima na si Rey Aleta, 43, sa pag-ubos sa kanilang pulutan ng suspect na si Leymar Florido sa gitna ng kanilang tagayan sa bahay ng una. Bagamat kapwa lango sa alak ang dalawa, nagdilim ang paningin ng suspect na dahilan para hugutin niya ang sukbit na itak sa baywang at pinagtataga sa ulo ang katalong magsasaka na sanhi ng kanyang kamatayan. Kasalukuyan pa ring sinisiyasat ng pulisya ang nangyaring krimen.

ALLACAPAN BAGAMAT BRGY CAPALUTAN JOEFFERSON GANNABAN KASALUKUYAN LEYMAR FLORIDO REY ALETA TINUTUGIS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with