Tulak dinedo ng kabaro
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2015 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang sinasabing drug pusher matapos itong ratratin ng isang lalaki na bumibili ng bawal na droga kamakalawa sa Purok 4, Barangay Labuan, Zamboanga City. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mheng Salasain ng Zone 5, Barangay Ayala sa nasabing lungsod habang nasakote naman ang suspek na si Nasser Addah, 27, ng Barangay Mantibo sa bayan  ng Sibuco, Zambonga Del Norte. Ayon kay P/Senior Insp. Chester Natividad, may personal na galit ang suspek sa biktima kaugnay sa bentahan ng bawal na droga. Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng cal.45 pistol at ang motorsiklong ginamit ng biktima na sinasabing inagaw sa may-aring si Redewn Salapuddi ng Barangay Recodo.

BARANGAY AYALA BARANGAY LABUAN BARANGAY MANTIBO BARANGAY RECODO CHESTER NATIVIDAD MHENG SALASAIN NASSER ADDAH REDEWN SALAPUDDI SENIOR INSP ZAMBOANGA CITY ZAMBONGA DEL NORTE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with