_ngayon
^

Pulis, 1 pa tumba sa shootout

Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2015 - 12:00am

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Dalawang-katao kabilang na ang isang pulis ang napatay sa naganap na shootout sa Calamba City, Laguna noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina PO2 Alvin Asignado at Ruel Regalario na sinasabing may mga naka­binbing kasong criminal.

Samantala, sugatang naisugod sa Calamba Medical Center Hospital sina PO2 Jake Villanueva at PO2 Billy Joe Corook na kapwa naka-assign sa Calamba City PNP.

Ayon sa police report, nakatanggap ng reklamo ang Calamba City PNP kaugnay sa mga kalala­kihang nagpaputok ng baril sa Barangay Parian bandang alas-8:15 ng gabi.

Agad namang rumes­ponde ang tatlong pulis pero sinalubong sila ng serye ng putok ng baril mula sa mga suspek.

Bagama’t sugatan, nakaganti naman ng putok ang tatlong pulis hanggang sa mapatay si PO2 Asignado.

Arestado naman ang kasamahan ni Regalario na si Fernando Reginio ng Barangay Real habang narekober naman sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang baril at isang plastic sachet ng shabu.

ALVIN ASIGNADO BARANGAY PARIAN BARANGAY REAL BILLY JOE COROOK CALAMBA CITY CALAMBA MEDICAL CENTER HOSPITAL FERNANDO REGINIO JAKE VILLANUEVA RUEL REGALARIO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with