3 NPA rebels patay sa encounter
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tatlong  miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang habang marami pa ang nasugatan makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Mat-I, Surigao City  kamakalawa ng umaga.

Sa phone interview, sinabi ni Brig. Gen. Jonathan Ponce, Commander ng Armys 402nd Infantry Brigade, dakong alas-10 ng umaga ng makasagupa ng 4th Infantry Division (ID) ang grupo ng mga rebeldeng NPA sa lugar.

Ayon kay Ponce ang bakbakan ay tumagal ng 15 minuto na ikinasawi ng tatlong rebelde na binitbit sa pagtakas ng kanilang mga kasamahan kasama ang marami pang bilang ng mga nasugatan.

Sinabi ni Ponce na grupo ng mga rebeldeng nakaengkuwentro ng tropa ng mga sundalo ay ang grupo ni Pablo Logamitan alyas Ka Lucas na siyang responsable sa panununog ng mga heavy equipment na pag-aari ng isang mayamang negos­yante sa Brgy. Mabini ng lungsod kamakailan.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang M16rifles, isang M203 grenade launcher, isang M653 rifle at sampung  backpacks na naglalaman ng mga personal na kagamitan at mga subersibong dokumento. (Joy Cantos )

BRGY INFANTRY BRIGADE INFANTRY DIVISION JONATHAN PONCE JOY CANTOS KA LUCAS NEW PEOPLE PABLO LOGAMITAN SURIGAO CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with