_ngayon
^

Misis tinarakan sa harap ng anak

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2015 - 12:00am

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines -Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang 45-anyos na misis matapos na ito ay pagsasaksakin ng di-nakikilalang suspek habang papauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Purok Sagurong, Barangay Dinapa, Castilla, Sorsogon.

Ang biktimang si Emma Magdaong, 45 at residente ng nasabing lugar ay dead-on-arrival sa Vicente Peralta Memorial Hospital.

 Batay sa ulat ng pulisya ang  insidente ay naganap dakong alas 11:45 ng gabi habang ang biktima at ang anak nitong si John Mark Magdaong, 8, ay naglalakad papauwi sa kanilang bahay, nang biglang lumapit ang suspek at mabilis na pinagsasaksak ang biktima at saka tumakas.

Ang mga biktima ay ga­ling umano sa Dinapa Ele­mentary School at dumalo sa sayawan dito. Masusi naman iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo ng pagpatay sa biktima.

BARANGAY DINAPA BATAY CASTILLA DINAPA ELE EMMA MAGDAONG JOHN MARK MAGDAONG MASUSI PUROK SAGURONG VICENTE PERALTA MEMORIAL HOSPITAL
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with