^

Baril ng vice mayor negatibo sa ballistic exam

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2015 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nakahinga ng maluwag si Vice Mayor Bien­venido Adelantar Dion Jr. matapos lumabas sa ballistics examination na negatibo ang kanyang cal. 45 pistol sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory Service kaugnay sa pagkamatay ng 11-anyos na nene na tinamaan ng stray bullet sa Barangay Bumagcat, bayan ng Tayum, Abra noong kasadsaran ng pagdaraos ng Bagong Taon. 

Magugunita na isinuko ni Vice Mayor Dion ang kanyang lisensiyadong cal.45 pistol sa hepe ng Tayum PNP na si P/Chief Insp.  Daniel Guimbaoan Bandoc noong nakalipas na linggo para sa isailalim sa  pagsusuri ng crime laboratory. 

 “Ang negatibong pagsusuri sa aking cal. 45 pistol ay pruwebang magsasaad na wala akong kinalaman sa pagkamatay ng aking kabarangay na si Jercy Tabaday na tinamaan sa ulo ng ligaw na bala noong kasadsaran ng pagdaraos ng Bagong Taon,” pahayag ng vice mayor

ABRA ADELANTAR DION JR. BAGONG TAON BARANGAY BUMAGCAT CHIEF INSP CRIME LABORATORY SERVICE DANIEL GUIMBAOAN BANDOC JERCY TABADAY TAYUM VICE MAYOR BIEN VICE MAYOR DION
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with