Magsasaka pinugutan ng kainuman
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2015 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines– Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 45-anyos na magsasaka matapos pugutan ng ulo at tadtarin na parang karne ang kanyang katawan ng mga pinaniniwalaang kainuman nito sa Brgy. Capanickian Sur, Allacapan, Cagayan kamakalawa.? Sinabi sa PSN ni Sr. Insp. Joefferson Gannaban na iniimbestigahan nila ang mag-amang sina Marlon Damasco Sr. at anak nitong si Junior na kainuman ng biktimang si Pedro Raquel, 43, na natagpuang brutal na pinaslang sa kanyang bukid may 50 metro ang layo sa kanyang bahay sa nasabing lugar.? Ayon kay Gannaban, huling nakitang buhay si Pedro sa bahay ng mag ama na nakikipag inuman bago ito natagpuan ng mga kapitbahay sa kanyang bukirin kinabukasan. Pa­tuloy pa rin sinisiyasat ng pulisya ang nangyaring krimen. Raymund Catindig

ALLACAPAN AYON BRGY CAPANICKIAN SUR GANNABAN JOEFFERSON GANNABAN MARLON DAMASCO SR. PEDRO RAQUEL RAYMUND CATINDIG SR. INSP
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with